TOKYO (AFP/Reuters) – Dalawang katao na ang namatay at 18 ang nawawala, habang 400,000 ang lumikas sa kanilang mga bahay matapos bumuhos ang napakalakas na ulan sa timog kanluran ng Japan sa dalawang magkakasunod na araw, at nagpabaha sa mga ilog.

Bumagsak sa ilang parte ng Fukuoka prefecture sa timog kanlurang isla ng Kyushu ang 30.5 pulgadang ulan sa loob ng siyam na oras nitong Miyerkules, halos 2.2 beses ng karaniwang dami ng ulan tuwing Hulyo, ayon sa NHK national television.

“We are in an extremely serious situation,” sabi ni Deputy Prime Minister Taro Aso, nagbabala ng panganib ng pagguho ng mga burol at idinagdag na “many people are still missing”.

Ang Fukuoka at Oita prefectures, kapwa malalaking rural areas, ang pinakamatinding tinamaan ng ulan na dala ng low pressure area sa Pacific Ocean at pinalala ng tag-ulan sa Japan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina