Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac – Pitong katao ang nasugatan at isinugod sa Napeñas Hospital makaraang magkabanggaan ang dalawang tricycle sa San Antonio-Sta. Rita Road sa Concepcion, Tarlac, nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Ricardo Lagman, 60, driver ng Microbike tricycle, ng Barangay San Antonio; Queenie Concepcion, 15; Edmelyn Yumul, 16, kapwa ng Bgy. San Nicolas Poblacion; Amberlyn Acosta, 15, ng Bgy. San Jose; Menchie Lia Landichu, 16, ng Bgy. Jefmin; at Hanna Arellano, 15, ng Bgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.
Sugatan din ang driver ng tricycle (CJ-1252) na nakabanggaan ni Lagman na si Felipe Romero, 75, ng Bgy. San Antonio, Concepcion.