Ni: Leonel M. Abasola

Hindi uurungan ni Senador Antonio Trillanes IV ang balak ni Sen. Joseph Victor Ejercito na sampahan siya ng kaso sa Senate Ethics Committee sa pagtawag niyang “duwag at tuta” ng administrasyon ang Mataas na Kapulungan.

Sinabi ni Trillanes na walang makapipigil sa balak ni Ejercito, na tinawag din siyang “nakakasira sa institusyon,” pero dapat daw ay iniisip din nito ang mga salita ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga panggagahasa.

“But here’s the thing, if Sen. Ejercito believes that my statement that the Senate is becoming a lapdog of the Duterte administration is highly offensive yet sees nothing wrong with Duterte’s rape comments to the soldiers, then we really have a problem,” ani Trillanes.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Unang pumalag si Sen. Panfilo Lacson sa pahayag ni Trillanes, na aniya ay “wala na sa hulog”.