Ni: Mary Ann Santiago

Nagpahayag ng pakikiisa at panalangin si Pope Francis sa kalagayan ng Pilipinas, partikular na sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ibinahagi ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na nagkaroon siya ng pagkakataon na sandaling makausap ang Papa nang tanggapin niya ang ‘pallium’ sa Vatican kamakailan.

“So touching when I kiss his hand and I told him that I am from Mindanao in Ozamis. I could see that his face was very much interested to listen more and then he told me, ‘I know that you suffered a lot there. I pray for you and for your people,’” pahayag ni Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji