NI GILBERT ESPENAS
PacHorn duel: Kontrobersyal, ngunit umukit ng marka sa ESPN.
KUNG pagbabasehan ang resulta ng live telecast ng “Battle of Brisbane” sa ESPN, walang duda na magkaroon ng rematch ang duwelo nina 11-time world champion Manny Pacquiao at bagong kampeon na si Jeff Horn ng Australia.
Lumikha ng bagong marka ang kontrobersyal na duwelo nina Pacquiao at Horn na may kabuuang 3.1 milyon viewers sa ESPN, ESPN Deporters at live streaming.
Ayon sa Fast National ratings sa United States na Nielsen, ito ang highest-rated at most-watched boxing telecast sa cable television mula noong 2006 at highest-rated boxing telecast ng ESPN mula noong 1995.
“The WBO World Welterweight Championship main event between Manny “Pac Man” Pacquiao (59-7-2, 38 KOs), the Filipino legend and boxing’s only eight-division world champion, against undefeated No. 1 contender and Brisbane’s favorite son Jeff “The Hornet” Horn (17-0-1, 11 KOs) (12 midnight to 1 a.m. ET) peaked during the final half hour of their fight with 4.4 million viewers across both networks,” ayon sa ulat ng ESPN.
Sa ESPN, ang telecast averaged ay 1.6 household rating at kabuuang 2,812,000 viewers, sapat para higitan bilang highest-rated at most-watched boxing telecast sa cable TV ang laban nina Carlos Baldomir vs Arturo Gatti sa HBO noong July 22, 2006.
“ The Battle of Brisbane was also the highest-rated boxing telecast on ESPN’s networks since 1995. Danell Nicholson vs. Darren Hayden on ESPN, on December 21, 1995 earned a 1.7 household rating.
Narito ang highest ratings para sa boxing telecasts sa cable sa nakalipas na 10 taon:
7/01/2017 ESPN: Manny Pacquiao vs. Jeff Horn 1.6
9/26/2009 HBO: Vitali Klitschko vs. Chris Arreola 1.4
4/19/2008 HBO: Bernard Hopkins vs. Joe Calzaghe 1.3
5/03/2008 HBO: Oscar De La Hoya vs. Steve Forbes 1.3
5/09/2015 HBO: Canelo Alvarez vs. James Kirkland 1.3
Sa ESPN Deportes, ang ‘Battle of Brisbane’ ay nagtala ng averaged 206,000 viewers, kabilang ang 308,000 viewers sa huling anim na rounds ng laban, pinakamataas mula sa duwelo nina Leo Santa Cruz vs Abner Mares noong August 29, 2015, na may average minute viewing audience na 355,000.
Ang ESPN’s telecast ay mayroon ding streaming average minute audience na 78,000, kabilang ang 392,000 unique viewers, at 14.4 million total minutes streamed.
Batay sa naturang mga datos, ang laban ng PacHorn ay maituturing na most-streamed boxing event sa kasaysayan ng ESPN network.