Ni NORA CALDERON

BLESSING para kay Pancho Magno na after ng Encantadia, nabigyan agad siya ng role sa afternoon prime drama series sa GMA-7 na Haplos.

Untitled-2 copy

“Masaya ako dahil bukod sa may bago agad akong project, muli kong makakasama sina Sanya Lopez at Rocco Nacino na kasama ko rin sa Encantadia,” sabi ni Pancho. “Reunion agad kaming tatlo.”

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Kung mabait siyang kawal sa Encantadia, dito naman, as Benedict, fitness trainer na may pagkaagresibo ang character niya. Kaya sa unang pagkakita pa lamang niya kay Angela (Sanya), hinalikan agad niya ito kaya nakatikim siya ng sampal.

Natatawang kuwento pa ni Pancho, marami raw siyang eksenang magpapagalit kay Angela at sa magiging karibal niya sa istorya na si Gerald (Rocco). Alamin kung paano magtatagpu-tagpo ang landas nila, kasama si Thea Tolentino as Lucille, half sister ni Angela.

Natanong din si Pancho kung kailan ang kasal nila ng girlfriend na si Max Collins dahil nag-propose na siya last May, kaya engaged na sila at kasal na lang ang hihintayin sa kanila.

“Sa ngayon po, napag-uusapan pa lamang namin, pero wala pa kaming maibibigay na detalye. Gusto namin ngayong taong ito, at dapat nga noong May kami nagpakasal, pero naging busy naman kaming pareho. Tinatapos ko pa noon ang Encantadia, pagkatapos heto na nga ang Haplos. Si Max naman, may ginagawa siyang movie with Atom Araullo under Mike de Leon, then nag-guest din siya sa Meant To Be nina Barbie Forteza. Ipinauubaya ko na kay Max ang magiging detalye ng kasal namin.

“Napagkasunduan na namin na Christian wedding ang magaganap dahil pareho kaming member ng Victory Church. Garden wedding sana pero mahirap, di mo sigurado ang weather. Sa ngayon, we are undergoing a marriage preparation seminar in our church para we will be spiritually prepared dahil alam naming marriage is a lifetime commitment. Dapat kasi maganda ang foundation ng relationship namin.”

Four years na rin ang relationship nina Pancho at Max at ready na nga sila to have a family.