C-r5dfeUwAAtxIg copy

BOSTON (AP) – Pinili ni forward Gordon Hayward na maglaro sa Boston Celtics kontrata sa Miami Heat o manatili sa Utah Jazz.

Pormal na ipinahayag ni Hayward sa The Players Tribune nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ang pagsang-ayon sa alok na US$128 milyon sa apat na taon.

“This has been the toughest decision that I’ve ever had to make in my life. This weekend has probably been the longest weekend of my life. And today … well, today has definitely been one of the craziest days of my life. But I wanted to make sure that I got this right,” pahayag ni Hayward, naglaro ng pitong season sa Utah na pumili sa kanya bilang 9th overall noong 2010 drafting.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Sa Miami, nagkasundo na ang Heat management at si four-time All-Star Chris Bosh para sa maayos na paghihiwalay matapos hindi payagang makalaro ng buong season bunsod ng isyu sa blood-clot.

Ipinahayag ng Heat na ireretiro nila ang No.1 jersey ni Bosh at matatanggap pa rin niya ang nalalabing US$26.8 milyon sa kanyang kontrata.