NEW YORK (AP) – Mula sa makukulay na fireworks display para sa maraming taong nagtipon hanggang sa mga parada sa maliliit na bayan, ipinagdiwang ng mga Amerikano ang ika-241 kaarawan ng United States na kapwa masaya at may dobleng pag-iingat.

Sa unang taon niya sa puwesto, naghanda si President Donald Trump kasama si first lady Melania Trump ng picnic para sa mga pamilya ng mga sundalo White House.

Naging international pa ang okasyon nitong Martes sa pagbiyahe ng ilang U.S. senators sa Afghanistan para magdiwang kasama ang mga tropa at sa Independence Day exhibition sa Major League Baseball sa London.

Bukod sa fireworks, itinampok din sa July Fourth ang masasayang tradisyon gaya ng paligsahan sa pagkain ng hotdog, parada ng mga classic car sa California, konsiyerto sa New York tampok sina Jennifer Lopez, Sheryl Crow, at Brad Paisley, at pagtakbo ng libu-libong runner sa Road Race sa Atlanta

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa Philadelphia, kung saan inaprubahan ng Founding Fathers ang Declaration of Independence noong Hunyo 4, 1776, isang buong araw ang national birthday party, na kinabilangan ng freedom ceremony sa Independence Hall at ceremonial tapping ng Liberty Bell.

Samantala, isang babae ang naospital nang aksidenteng tamaan ng float sa Bristol parade sa Rhode Island. Nagsimula noong 1785, ito ang tinaguriang oldest continuous celebration of independence sa bansa na dinudumog ng 100,000 sa seaside town.