DIEGO copy

Ni JIMI ESCALA

MUKHANG hindi pa rin nawawala ang sama ng loob ni Diego Loyzaga sa amang si Cesar Montano. Kahit sinabi na niya sa mga nakaraang interbyu na wala na silang tampuhan ng ama, nahuhuli pa rin sa bibig ang isda.

Inamin ng Diego na umalis na siya sa bahay ni Cesar at idinugtong na doon naman daw nakatira ang sektretarya ng ama.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

“May laman ang sinabing ‘yun ni Diego. Isipin mong pinaalis mo ang anak mo sa dating tinitirhang bahay at doon mo patitirahin ang secretary mo? Parang hindi yata makatarungan,” komento ng isang beteranong showbiz reporter sa umpukan ng mga manunulat.

Napag-alaman din sa kuwento pa rin ni Diego na hindi pa niya nahahakot ang lahat ng mga gamit niya. Kaya marami pa rin siyang natitirang gamit sa bahay ng ama.

Katwiran pa ni Diego, hindi na kasi siya makapasok dahil pinalitan na ang lock ng main door na may nakaharang na ring malaking kahoy ngayon.

Gayunpaman, lubos pa ring nagpapasalamat sa ama si Diego na dapat lang naman dahil hindi siya magiging tao kung wala ito, huh!