Ni: Leandro Alborote
SAN MANUEL, Tarlac – Nahimlay sa kandungan ni Kamatayan ang isang umangkas sa motorsiklo makaraang mabangga ang sasakyan ng pampasaherong Pangasinan Solid North bus sa highway ng Barangay Salcedo sa San Manuel, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Dr. Marcelo H. Chan Hospital sa Rosales, Pangasinan, si Eden Grace Bartolome, 21, habang grabe namang nasugatan ang driver ng motorsiklo (AA-87572) na si Christian Pino, 21, taga-Bgy. San Pedro Partado, Alcala, Pangasinan.
Ayon sa police report, bandang 9:00 ng gabi nang mabangga ng bus (ABG-4815) na minamaneho ni Reynaldo Ymalay, 47, ng Bgy. Salay, Mangaldan, Pangasinan, ang motorsiklo na noon ay biglang kumaliwa.