Ni JEROME LAGUNZAD

Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

12 n.t. – Opening Ceremonies

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2 n.h. -- San Beda vs San Sebastian

4 n..h. – Arellano vs Mapua

HINDI madali para sa Arellano U Chiefs ang lumaban na wala ang premyadong lider na si Jio Jalalon.

Ngunit, sa buhay basketball, kailangang magpakatatag, dapat manatiling palaban.

Sa pag-akyat ng premyadong playmaker sa PBA, kukuha ngayon ng lakas si coach Jerry Codinera sa nalalabing ‘core’ ng koponan na sumabak sa kampeonato sa nakalipas na taon.

At hindi naitago ni Codinera ang kumpiyansa na mananatiling palaban ang kanyang Chiefs sa paglarga ng Season 93 ng NCAA seniors basketball simula sa Sabado sa MOA Arena.

“The Bus Driver is not around anymore. Si Conductor na lang ang natitira. I hope he will do well in driving his passengers,” pabirong pahayag ng dating PBA superstar.

Iginiit ni Codinera na minana ngayon ni Kent Salado ang responsibilidad na maging lider ng Arellano U.

“He can lead the team but the others should follow. He still needs solid support from his teammates,” pahayag ni Codiñera.

“Pwede niyang punuan ‘yung iniwan ni Jalalon. Pero sino naman ‘yung magpi-fill up sa iiwan ni Salado? Dun sa 2-spot na tatakbo kasabay niya sa transition. There’s a big void talaga.”

Inaasahan ni Codiñera na lalabas ang pagiging palaban nina big man Lervin Flores, Zach Nicholls, Allen Enriquez, Kraniel Villoria, Rence Alcoriza, gayundin ang mga bagong recruit, sa pangunguna ni Davao native Levi Dela Cruz II.

Hindi nagiwan ng kasiguraduhan si Codiñera sa kakayahan ng Chiefs na makabalik sa Final Four, higit sa championship round, ngunit umaasa siyang titindig ang koponan sa bawat laban.

“Basta we will try to win and improve everyday. Sa chemistry, we will try to keep things simple kasi marami kaming bago,” aniya.

Sisimulan ng Chiefs ang kampanya na makabalik sa pedestal sa pakikipagtuos sa Mapua Cardinals sa tampok na laro sa double-header sa opening day sa Sabado.