Ni: Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Dawalang Indonesian nationals at isang Pilipino ang inaresto matapos magprisinta ng maling identification card sa pamunuan ng isang lokal na hotel sa lungsod nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang dalawang Indonesian bilang sina Kunaefi Wahid y Madrukum, 40; at Untung Riyanto, 40; habang ang kanilang kasamang Pilipino ay si Nasser Tahil, 40, kasal at residente ng Barangay Tumaga.

Ayon sa imbestigasyon, dumating sa Micasa Hotel ang mga ito para magcheck-in bandang 5:30 ng hapon.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Nakilala ng pamunuan ng hotel na parehong tao ang kaharap nila at ang nagpunta sa kanilang hotel noong Disyembre na nagpakilala bilang Indonesian.

Ito ang nag-udyok sa pamunuan na tumawag ng pulis na dumapot sa tatlong ito upang dalhin sa pirisinto para sa imbestigasyon. Inihahanda na ng pulisya ang kasong Falsification of Public Documents para sa dalawang Indonesian.