Ni: Yahoo Celebrity

FIFTY-FIVE years old na si Tom Cruise nitong Hulyo 3, pero tila edad lang niya ang tumatanda. Sa takbo ng karera ni Cruise, nakilala at tumatak ang action star sa Mission: Impossible franchise at iba pang pelikula gaya ng Knight and Day at Edge of Tomorrow.

TOM copy

Usap-usapan na hindi pumipirma ng kontrata ang Oscar-nomited star sa isang pelikula hangga’t hindi pumapayag ang producers na siya mismo ang gagawa ng stunts. Ilang halimbawa na rito ay ang pagsabit niya sa isang A400M Airbus para Mission: Impossible – Rogue Nation,ang pagtawid niya sa Burj Khalifa sa Mission: Impossible – Ghost Protocol, at ang pag-akyat niya sa bato gamit lamang ang kanyang mga kamay sa M:I 2. Pero alam ba na ninyo ang pagiging bayani niya maging sa likod ng mga kamera?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Minsan ay tinulungan ni Cruise si Heloisa Vinhas, isang aspiring actress nang ma-hit-and-run ito ng truck. Si Cruise ang nag-utos na tumawag sa 911 upang madala sa ospital si Vinhas at siya rin ang nagbayad sa $7,000 na medical bill nito.

Nang manirahan ang Jack Reacher star sa London noong 1998, to the rescue rin siya sa isang babaeng ninakawan ng alahas na nagkakahalaga ng $153,000. Ayon sa mga nakasaksi, nagmadaling tumakbo si Cruise sa kalsada kasama ang kanyang mga bodyguard at hinabol ang mga kawatan.

Noong 2014, itinigil ni Cruise ang pagpirma sa kasagsagan ng autograpah signing para tulungang makaligtas ang dalawang batang lalaki na muntik nang maipit at ma-trap sa barikada ng red carpet.

Ang pinakabago ay nang iniligtas niya ang co-star na si Annabelle Wallis sa set ng The Mummy nang magkaproblema sa filming ng anti-gravity na eksena sa eroplano.

“I had to put a parachute pack on me and the pack got stuck. There was a thing wrapped tight around my neck and I was like, ‘Oh, my God! I’m stuck and the gravity is going to return and it’s going to choke me, it was this amazing Tom moment where I looked and I couldn’t get myself unhooked and said, ‘Tom! I’m stuck, I’m stuck!,” kuwento ni Wallis.

“The plane was coming out of weightlessness, about to hit gravity, and I heard the countdown ‘5, 4, 3 …’ At three I said, ‘I’m stuck!’ and Tom was like, ‘Annabelle, don’t worry I got you,’ and he ran and freed me and we returned to earth and he’d saved my life. So I feel very indebted to him. It was literally around my neck choking me, then with two or three seconds left, there he was — the hero,” patuloy ni Wallis.

Top Form

“The plane was coming out of weightlessness, about to hit gravity, and I heard the countdown ‘5, 4, 3 …’ At three I said, ‘I’m stuck!’ and Tom was like, ‘Annabelle, don’t worry I got you,’ and he ran and freed me and we returned to earth and he’d saved my life. So I feel very indebted to him. It was literally around my neck choking me, then with two or three seconds left, there he was — the hero.”

Mukhang walang imposibleng misyon para sa real-life action hero na ito.