Ni NITZ MIRALLES
NAGSALITA na rin si Ricky Lee via Facebook kung bakit siya nag-resign sa execom ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nauna nang nagsalita si Rolando Tolentino na isa rin sa tatlong execom members na nag-resign. Si Kara Magsanoc-Alikpala na lang ang hindi pa naglalabas ng pahayag.
Post ni Ricky: “Sa mga nagtataka at nagtatanong kung bakit ako nag-resign bilang miyembro ng execom ng MMFF, simple lang naman ang sagot. Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016. Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyong mangyari. Kaya wala na ring dahilan para mag-stay pa ako.”
Curious lang ang publiko (kami na rin) kung alin sa first four official MMFF 2017 entries ang hindi nakapasa sa tatlong nag-resign na execom members.
Ang apat na in-announce ay ang Ang Panday na ididirihe at pagbibidahan ni Coco Martin, Almost Is Not Enough nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado with Dan Villegas directing, The Revengers ni Bb. Joyce Bernal tampok sina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, at Love Traps nina Vic Sotto at Dawn Zulueta with Tony Reyes directing.