NI: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Patay ang isang 31-anyos na construction worker matapos siyang mapagtripang pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Purok 7, Barangay Bacal 2 sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical Center si Bobby Valiente, 31, ng Bgy. Casulucan Centro, Sto. Domingo.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na sina Celso “Nonong Visaya” dela Tena, 21, ng Bgy. Casulucan Este, Talavera; Harold Arsega, 23, ng Bgy. Villa Nati, Science City of Muñoz; at Jonathan “Kakang” Arsega, 28, ng Bgy. Bacal 2, Talavera.