Ni: Mary Ann Santiago

Simula kahapon, Lunes, ay mas maaga na ang train operating schedule ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT-2).

Sa anunsiyo ng pamunuan ng LRT-2, nabatid na mula sa dating 5:00 ng umaga ay ginawa nang 4:30 ng umaga ang unang biyahe ng kanilang tren.

Ayon kay LRT Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya, ipinatupad nila ang bagong operating schedule upang maka-adapt sa bagong commuter trends at mag-complement sa service schedule ng LRT-1 at ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3), na kapwa nagpapatupad ng gayong schedule.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Hinikayat din niya ang mga commuter na sumakay sa kanilang 4:30 a.m. trip upang makaiwas sa mahabang pila at siksikang mga tren sa peak hours na mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga.

Ayon sa LRTA, aabot sa 74,000 pasahero ang sumasakay sa LRT-2 tuwing peak hours.