Ni: Marivic Awitan

TULAD nang nakasanayan, tuloy ang ligaya sa San Miguel Beermen. Walang iwanan.

Sa isa pang pagkakataon, muling itinanghal na kampeon ang SMB franchise. Ngunit walang kasing-tamis ang titulo dahil ito ang kauna-unahang nilang tagumpay sa Commissioner’s Cup matapos ang halos isang dekada.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“There’s a lot of sacrificing for this team,” pahayag ni Austria. “We have to win and we have to make and take sacrifices, and we have to make adjustments during the game which will help us get through this.”

Kabilang sa nagkaroon ng malaking sakripisyo sa nakaraang second conference campaign ng Beermen sina dating league MVP Arwind Santos at reigning MVP June Mar Fajardo.

“Arwind is always off the bench, averaging only 20 minutes per game, which is unusual for him. June Mar is a very important piece of our team, but this is an import-laden conference and (Joshua) Smith always has the advantage against him, so we have to make things happen,” sambit ni Austria.

Maganda naman ang ibinunga nito, ang ikalawang sunod nilang titulo sa taong kasalukuyan at naglagay sa kanila sa magandang posisyon para sa isa pang Grand Slam.

Tinapos ng Beermen ang kanilang mahigit isang dekadang Commissioners Cup title drought na huli nilang nakamit noong 2000 Commissioners Cup sa ilalim pa noon ni coach Jong Uichico.

Ang panalo ang ikalimang titulo ni Austria at nanatili rin siyang perpekto sa loob ng limang beses na pagsabak niya sa kampeonato.

Sa kabila nito, ayaw munang pagtuunan ng pansin ni Austria ang tsansang nabuksan para sa kanya para maging isang grand slam coach dahil nais nyang sulitin ang maikling pahinga bago muling sumabak sa aksiyon para sa darating na Governors Cup.