NI: Danny J. Estacio

SAN PEDRO CITY, Laguna – Umaabot sa P1.5 milyon ang kabuuang halaga ng mga mamahaling relo at alahas na natangay ng isang kasambahay sa amo niyang inhinyero sa Glens Parksprings sa Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna nitong Linggo ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Walter John Detera Marzean, 40, binata, habang pinaghahanap na ang suspek ay si Salvacion A. Portugal, 19, dalaga, ng Bgy. Mabini Poblacion, Gumaca, Quezon.

Bandang 12:30 ng tanghali nang i-report ni Marzean sa pulisya ang pagkawala ng kanyang Nike bag na naglalaman ng iba’t ibang alahas, gaya ng dalawang Oyster Daytona Rolex na nagkakahalaga ng P700,000, isang Oyster Perpetual Rolex na nasa P500,000, isang TW Steel rings na nagkakahalaga ng P40,000, at tatlong kuwintas na may kabuuang halaga na P70,000.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar