Ni LIEZLE BASA IÑIGO
POZORRUBIO, Pangasinan – Napaulat na napatay ng isang ginang ang sarili niyang asawa matapos niya itong paghahatawin ng steel pipe sa Barangay Palacpalac sa Pozorrubio, Pangasinan, nitong Linggo ng hapon.
Sa report ng Pozorrubio Police, dakong 1:00 ng hapon nang mapatay ni Vicky Neri, 41, ang asawang si Ariel Neri, 38, matapos itong paghahatawin ng steel pipe habang natutulog ang biktima sa kanilang kuwarto.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing matagal nang may galit sa mister ang ginang dahil umano sa mga bisyo nito, partikular na ang pambababae.
Isinugod pa sa ospital ng kanyang mga kaanak ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Kinasuhan na kahapon ng parricide ang ginang, at kasalukuyang nakapiit na.