Ni: Ben R. Rosario

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng nagkakaisang paglaban sa illegal drugs, isinulong kahapon ng mga mambabatas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang paglilikha ng isang advisory council upang i-coordinate ang legislative actions na lalong magpapalakas sa pagtutulungan ng rehiyon laban sa droga sa pamamagitan ng mga batas.

Dumating ang mga lider ng iba’t ibang legislative bodies sa ASEAN sa Pilipinas para sa 13th Meeting of the AIPA Fact Finding Committee (AIFOCOM) to Combat the Drug Menace na magbubukas ngayong araw sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Pangungunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez, pangulo ng ASEAN Parliamentarians Assembly, ang mga mambabatas ng rehiyon sa pagtalakay sa anti-narcotics actions at pagpapaigting sa papel ng AIPA sa pagtugon sa lumalalang problema ng droga sa rehiyon.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ipipresinta ng 10 kasaping bansa ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly -- ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam -- ang ulat ng kani-kanilang bansa sa AIFOCOM meeting.

Si Deputy Speaker at Batangas Second District Rep. Raneo Abu ang magpipresinta ng Philippine Country Report sa kanyang kapasidad bilang Head of Delegation ng bansa. Miyembro ng delegasyon si Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte) bilang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.