Ni: Reggee Bonoan

SINUPORTAHAN ba ng AlDub fans si Maine Mendoza sa Philippine’s sexiest poll ng FHM? Kasi kung suportado ang dalaga, e, di sana siya ang number one at hindi si Nadine Lustre.

MAYMAY copy copy

Kuwento ng mga nakatsikahan naming AlDub fans, umalis na ang karamihan sa kanila dahil may mga nakita silang hindi maganda sa samahan nina Alden Richards at Maine.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Inamin din nila sa amin na pumunta sila sa album launching ni Maymay Entrata sa Skydome at bumili sila ng CD nito.

Sa madaling salita, lumilipat na sa ibang artista ang ilang AlDub fans, sa isyung ito -- kay Maymay, ang nanalo sa Pinoy Big Brother Lucky 7.

Kaya ba naka-Gold Record award agad ang debut album ni Maymay dahil maraming AlDub fans na sumuporta sa kanya?

Inusisa namin sa grupo kung bakit nila iniwan sina Alden at Maine.

“Hindi naman po kasi sila sincere, naggagamitan lang sila, marami namang nakakaalam na magkaaway sila, saka hindi nila gusto talaga ang isa’t isa,” sagot sa amin.

Di ba’t lagi namang nababalitang magkaaway sina Alden at Maine maging noon pa mang kasikatan nila? Hindi pa ba sanay ang AlDub supporters?