Jeff Horn, left, of Australia and Manny Pacquiao of the Philippines  (AP Photo/Tertius Pickard)
Jeff Horn, left, of Australia and Manny Pacquiao of the Philippines (AP Photo/Tertius Pickard)

Ni Dianara T. Alegre

Kasunod ng pagkatalo ni Manny “Pacman” Pacquiao kay Jeff Horn sa tinaguriang Battle of Brisbane kahapon, bumaha ang sari-saring reaksiyon at komento ng netizens, kabilang ang mga celebrity, mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Marami ang nagulat at ‘di makapaniwala nang ideklarang panalo si Horn sa unanimous decision. Kasabay nito, marami rin ang nakisimpatiya sa pagkatalo ng Pinoy pride.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ilang kilalang personalidad din ang nakisali sa ingay ng #PacquiaoHorn sa social media kahapon.

“Boxing is wack!!!! Pac-man got robbed again…This is why MMA is so big now..SMH,” tweet ni Chauncey Billups, retiradong NBA player at Finals MVP ng Detroit Piston noong 2014.

Ilang minuto naman matapos ideklara ang desisyon pabor kay Horn, nag-post si Kobe Bryant ng GIF ng close-up shot ng actor-rapper na si Ice Cube na may mahigit 50,000 likes sa Twitter.

“Talo si Manny! Huhuhu. But it was still a Good Fight!” post naman ni Cristine Babao, multi-media personality at asawa ng mamamahayag na si Julius Babao.

“Headlock while punching, headbutts, Home cooking. Hahaha home court advantage. Punta kayo sa Pilipinas pramis,” post ni Teddy Corpuz, host ng ‘It’s Showtime’ at miyembro ng bandang Rocksteddy.

Post naman ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo: “You will always be our People’s Champ. Your bravery and courage will continue to inspire us. Thank you, [Manny Pacquiao]. To God be the glory.”

Sabi rin ni Lovi Poe: “You’re the man, Manny!!! You’ve brought pride to our country more than any person has ever done in the history of the Philippines! You are the people’s champ and that in itself is a timeless victory.”

“MannyPacquiao is a true warrior. God bless you Manny,” saad naman sa post ng singer na si Ogie Alcasid.

Kasunod ng pagkabigo ni Pacquiao na maidepensa ang kanyang WBO World Welterweight title, maraming netizen ang humihimok sa boksingerong senador na magretiro na at ituon na lamang ang panahon at atensiyon sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng bansa.

Ilan naman ang humirit ng rematch upang mabawi ni Pacquiao ang nasabing titulo, pati na rin ang karangalan para sa bansa.

Sa isa namang interbyu sa boxing promoter na si Bob Arum, sinabi niya: “I think you cannot spend so much time as a senator and expect to be a world class fighter.”