ni Bella Gamotea
Matapos ang apat na magkakasunod na bawas-presyo sa petrolyo, asahan naman ng mga motorista ang oil price hike sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng magtaas ng 60-70 sentimos ang kada litro ng diesel, 30-40 sentimos sa gasolina, at 50-60 sentimos naman sa kerosene.
Ang nakaambang dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Mayo 30 pa huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis, habang sa huli sa serye ng rollback nitong Hunyo ay mahigit P2 ang natapyas sa presyo ng gasolina at diesel.