Ni ADOR SALUTA
ILANG linggo pa lang ang nakakaraan nang kumpirmahing kasama sina Elmo Magalona at Janella Salvador sa upcoming soap ng ABS-CBN na pinamagatang Kung Kailangan Mo Ako, kasama ang tandem nina McCoy de Leon-Elisse Joson, Alexa Ilacad-Nash Aguas at ang young actor na si Joshua Garcia.
Unfortunately, nitong nakaraang linggo, binawi ng management ang partisipasyon ng dalawa sa nasabing serye, na balitang papalitan na rin daw ng titulo.Sa nakaraang presscon ni Elmo Magalona para sa pelikulang Bloody Crayons, nagpahayag ang aktor na totoong wala na sila ni Janella sa nasabing soap.
“Since nung last draft nu’ng show, maraming nabago. Ang nangyari nagbago ng cast. Sabi kasi hindi na kami magiging part nu’n,” bungad ni Elmo.
Pahayag naman ni Janella, “Or ‘yung roles namin supposedly ibang-iba na from when it started. I don’t think it would benefit the show or even kami kung itutuloy pa namin.”
“We don’t really know kung ginawa ba namin magiging maganda ba siya for us. So ‘yung susunod definitely ‘yun ang mapupunta sa ‘min,” sey ni Elmo.
Hindi man daw sila natuloy ni Janella sa teleserye, pareho silang grateful na may pinagbibidahan na silang solo movie nila, ang fantasy-romance film na My Fairytail Love Story.