Teiru Kinoshita of Japan, right, and Jerwin Ancajas of the Philippines trade punches during their IBF World Junior Bantamweight title fight in Brisbane, Australia, Sunday, July 2, 2017. (AP Photo/Tertius Pickard)
Teiru Kinoshita of Japan, right, and Jerwin Ancajas of the Philippines trade punches during their IBF World Junior Bantamweight title fight in Brisbane, Australia, Sunday, July 2, 2017. (AP Photo/Tertius Pickard)

ni Gilbert Espena

TINUPAD ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ang pangako sa kanyang promoter na si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos niyang mapatulog sa 7th round si mandatory challenger Teiru Kinoshita sa pamamagitan ng isang sikwat sa bodega para mapanatili ang kanyang titulo sa Brisbane, Australia kahapon.

Kabilang ang laban nina Ancajas at Kinoshita sa mga sagupaang ipinalabas ng ESPN sa buong mundo kaya malaking bagay sa ambisyon niyang harapin ang mga tigasin sa dibisyon tulad ni dating WBC super flyweight champion Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua na muling haharap sa unang tumalo sa kanya na si Srisaket Sor Runvisai ng Thailans at WBO champion Naoya Inoue ng Japan na magkakampanya na rin sa Amerika.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“Ancajas drilled Kinoshita with a right hand to the body, which sent Kinoshita to his knees with 1:23 to go in the seventh round. Kinoshita got up before referee Ignatius Missailidis counted to 10, but Missailidis determined that Kinoshita’s badly swollen right eye was too prohibitive for him to continue,” ayon sa ulat ng ESPN.

Napaganda ni Ancajas ang kanyang rekord sa 27-1-1 win-loss-draw na may 18 panalo sa knockouts kaya inaasahang magkakampanya na rin sa United States para sa unification bout.

“Ancajas’ advantages in speed and athleticism served him well during the first four rounds, when he repeatedly landed his straight left hand and mostly moved out of Kinoshita’s punching range before his challenger could fire back,” dagdag sa ulat. “Missailidis ruled that an Ancajas punch opened a cut over Kinoshita’s right eye during the second round, though there was an accidental clash of heads around the time Kinoshita began bleeding. Missailidis stopped the action briefly in the second round to allow a ringside physician to examine Kinoshita’s cut, but the action resumed a short time later.”