TINANINGAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Pamahalaang Lungsod ng Manila nang hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan para maglabas ng pormal na desisyon hingil sa pagbebenta ng Rizal Memorial Sports Complex.

ramirez copy

Kung walang magaganap na bentahan, iginiit ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na sisimulan nang ahensiya ang pagsasaayos at pagpapagawa ng lahat ng pasilidad ng pamahalaan sa Baguio, Philsports sa Pasig City at Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

“If the City of Manila cannot consummate or finalize our conversation on our usufruct rights to leave, by July 31, we will start rehabilitating Rizal and Ninoy... Why? For the 2019 Southeast Asian Games,” pahayag ni Ramirez sa media conference nitong Biyernes.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Iginiit ni Ramirez na mahalagang maisaayos ang mga pasilidad para matugunan ang pangangailangan ng mga atleta para sa maasyos na athletes quarters, canteen, at training venues.

“Napakahirap na makitang ang 10 atleta natin ay nagsisiksikan sa isang kuwarto na para sa apat katao lamang.

Kailangan nilang kumain sa maayos na canteen at makagamit nang malinis na palikuran,” sambit ni Ramirez.

Sentro ng usapin ang pagbebenta ng Manila City Hall sa RMSC na planong i-develop ng Razon Group of Companies sa isang ultra-modern shopping complex. Ngunit, base sa legalidad, may pinanghahawakan ang PSC sa ‘usufruct rights due’ sa pasilidad na ginamit ng pamahalaan noong pang 1936.

“Hindi naman alam ang plano nila. Kami naman, our only interest on planning to leave is the money that we put into a modern training center,” sambit ni Ramirez, patungkol sa P5 bilyon na posibleng ibayad ng Razon Group sa PSC.