Ni: Marivic Awitan
SISIMULAN ng Pocari Sweat ang kampanya para sa target na ika -apat na titulo sa liga sa pagsagupa sa baguhang Hapee sa pambungad na laro sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Fil Oil Flying V Center.
Nananatiling paborito, inaasahang muling mangunguna sa Lady Warriors sina Myla Pablo, Gyzelle Sy, libero Melissa Gohing, Cai Nepomuceno at Elaine Kasilag.
Makakatapat naman nila sa kampo ng Hapee ang core ng University of the Philippines squad na pangungunahan nina Isa Molde at Diana Carlos sa ilalim ng paggabay ng kanila mismong mentor sa Lady Maroons team na si Jerry Yee.
Ganap na 4:00 ng hapon i magtutuos ang dalawang koponan na agad susundan ng tapatan ng Power Smashers at Balipure ganap na 6:30 ng gabi.
Nakaabot ng finals noong nakaraang reinforced conference, target ng Water Defenders na makamit ang inaasam na unang kampeonato.