BRASILIA (AFP) – Isa sa pinakamalaking cocaine kingpin ng South America, na nagpalit ng mukha at natakasan ang mga pulis sa loob ng tatlong dekada, ang nalambat ng mga awtoridad ng Brazil nitong Sabado.
Si Luiz Carlos da Rocha, alyas White Head, ay nahuli sa kanlurang estado ng Mato Grosso sa lungsod ng Sorriso, sinabi ng federal police.
Nagpalit ng pangalan si Da Rocha para maging si Vitor Luiz de Moraes, at sumailalim sa plastic surgery upang matakasan ang mga pulis habang patuloy na pinatatakbo ang kanyang international drug business.
Ang pangalan ng operasyon ay “Spectrum,” na sa Portuguese ay tumutukoy sa phantom-like nature ng pugante “who lived discreetly and in the shadows… evading police attempts for almost 30 years,” saad sa pahayag ng pulisya.
Si Da Rocha ay inaakusahang pinuno ng malaking cocaine network, na may produksiyon sa mga kagubatan ng Bolivia, Colombia at Peru, at distribusyon sa kontinente hanggang sa United States at Europe.