Ni: Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
6:30 n.g. – TNT vs SMB
WALANG plano ang San Miguel Beermen na paabutin sa Game 7 ang title series ng PBA Commissioner’s Cup.
Target ng Beermen na makumpleto ang dominasyon sa paglarga ng Game 6 ngayon ganap na 6:30 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Hawak ng Beermen ang 3-2 bentahe sa serye matapos ang kontrobersyal na 111-102 panalo ng SMB kontra Talk ‘N Text sa Game 5 nitong Biyernes.
“It’s not yet over,” phayag ni Beermen coach Leo Austria. “66 percent siguro ang chance namin at sa kanila 33 percent. But, next game is a different kind of ball game dahil they keep on adjusting. The good thing is sila lagi ang naga-adjust para sa’min,” aniya.
“We have to anticipate whatever kind of adjustments they [will] make.”
Muling sasandigan ng Beermen ang kanilang import na si Charles Rhodes na tumapos na may 20 puntos at 14 rebound sa Game 5, gayundin sina Marcio Lassiter at Chris Ross na nagtapos namang may 17 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa panig naman ng Texters, naniniwala si coach Nash Racela na malaki pa ang kanilang tsansa kung hindi sila magpapasakop sa kanilang emosyon gaya ng nangyari sa nakalipas na laban,