Ni: PNA

NAGBABALA ang mga cardiologist na ang labis na pag-inom ng mga enery drink, lalo na sa matatanda, ay maaaring maging sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso at pagtaas ng presyon ng dugo na maaaring humantong sa sakit sa puso.

“If taken in moderation, it is okay. Pero ‘pag ginawa mo yang parang softdrinks na excessive, it can result in fast heartbeat, which can cause a rise in blood pressure,” sabi ni Dr. Jorge Sison, presidente ng Philippine Heart Association.

Ayon kay Sison, napansin ng mga cardiologist na isinusugod sa ospital ang mga pasyente dahil sa biglaang pagtaas ng presyon ng dugo matapos uminom ng maraming energy drink.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“So, hinay-hinay lang sa energy drinks,” aniya.

Dagdag pa ni Dr. Ronald Cuyco, chairperson ng Philippine Heart Association advocacy programs, mayroong stimulants ang mga naturang inumin kaya may direktang epekto ito sa bilis ng tibok ng puso.

“When there is an increase in heart rates, there is a corresponding increase in the demand for oxygen. So, if the one who took the energy drink is elderly or more than 45 years old, there is a possibility of a blockage in the veins going to the heart,” pagpapaliwanag ni Cuyco.

Ayon pa kay Cuyco, maaaring atakehin sa puso matapos uminom ng maraming energy drinks, at nagpaalala na sapat na ang isang maliit na bote ng energy drink sa isang araw.

Tinatayang nasa 72mg hanggang 111mg ang dami ng caffeine sa mga energy drink.

Maraming tao ang kumukonsumo ng energy drinks lalo na ang mga nagtatrabaho ng maraming oras at mga atleta, upang mas maging malakas at mas alerto.

Para sa malusog na puso, hinihimok ng Philippine Heart Association ng 52100: pagkonsumo ng hanggang limang serving ng mga prutas at gulay sa isang araw; dalawang oras na paggamit ng gadget sa bawat araw; isang oras ng ehersisyo araw-araw; zero intake ng matatamis na inumin; at zero percent ng paninigarilyo.