Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

TUMANGGAP ng malakas na suporta mula sa mga dayuhang film enthusiast ang mga pelikulang Ang Babaeng Humayo at ang Motherland, lalo na ang mga Russian sa ika-39 na Moscow International Film Festival mula Hunyo 22 hanggang 29.

CHARO copy

Sinabi ng Philippine Ambassador sa Russia na si Carlos D. Sorreta na may “strong demand” para sa dalawang pelikula sa ginanap na film festival.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Tickets to the two Filipino films at the festival were sold out, but because of strong demand, the organizers allowed more moviegoers into the movie house who had to stand or sit along the aisles,” pahayag ni Sorreta.

Ang Ang Babaeng Humayo ay isang drama na kinunan sa black-and-white, sinulat, prinodyus, inayos, at idinirihe ni Lav Diaz, samantalang ang Motherland ay isang dokumentaryo na sinulat, prinodyus, co-editor at sa ilalim ng produksiyon ni Ramona Diaz. Ang dalawang pelikula ay ipinalabas bilang non-competitor sa festival.

“I think these two films resonated well with the Russian audience. Ang Babaeng Humayo in particular carries themes that Russians can relate to as it was inspired by the short story God Sees the Truth, But Waits by Leo Tolstoy,” saad ni Sorreta.

“While the two films were exhibited as non-competitors, the festival provided a great opportunity for the Russian public to appreciate Philippine talent, creativity and capabilities when it comes to films,” dagdag pa niya. 

Nagsimula noong 1935 ang Moscow International Film Festival, na tinaguriang pinakamatanda sa buong mundo, ngunit natigil nang pumutok ang World War II at dahil sa ilang patakaran ng dating Soviet Union.

Sa loob ng 20 taon, ang Festival Jury ay pinamumunuan ng mga nangungunang personalidad sa industriya ng pelikula na sina Richard Gere, Theo Angelopoulos, Margarethe von Trotta, Alan Parker, Gleb Panfilov, Fred Schepisi, Luc Besson, Geraldine Chaplin, Héctor Babenco, Pavel Lungin, at Mohsen Makhmalbaf.