NI: Nitz Miralles
SUCCESSFUL ang presscon ng 2017 ToFarm Film Festival para sa announcement sa kanilang six entries. Masaya si Dra.
Milagros How at nangakong mas mag-i-effort sila ni Direk Maryo J. delos Reyes, ang ToFarm filmfest director sa mga susunod pang film festival.
Nakakatuwa na mas maraming involved sa six movies na dumalo sa presscon at masaya silang nakipag-photo op kina Direk Maryo at Dra. How. Masigla rin ang Q&A at nakita rin namin na mas magaganda ang poster ng six film entries this year.
Naririto ang six entries sa 2nd ToFarm Film Festival:
Baklad, directed by Topel Lee and starring Ronwaldo Martin, Elora Espana and Rafa Siguion Reyna. Coming of age movie ito ng fish pen boy na nais tuparin ang kanyang pangarap.
Ang Tara Illenberger Hightide ay narrative film na inspired ng actual events sa bansa na nauwi sa climate change.
Starring Sunshine Teodoro, Dalin Sarmiento at Arthur Solinap.
Kasama rin sa line up ang Instalado ni Direk Jason Paul Laxamana, science fiction futuristic drama na naganap sa isang farming village. Starring McCoy de Leon, Junjun Quintana at Francis Magundayao.
Kamunggay ni Vic Acedillo, tungkol sa pagkakahanap sa sarili ng isang matandang lalaki at sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kanyang maliit na taniman ng gulay. Starring Kent Raymond Basa, Roger “Soe” Gonzales, Dulce Cruzata, Skyzx Labastilla at Bayang Barrios.
Ang Sinandomeng ni Byron Bryant ay heartwarming comedy tungkol sa strong-willed woman na mag-isang nagsasaka.
Starring Sue Prado, Lou Veloso, Lui Quiambao, Star Orjaliza at Julio Diaz.
Ang What Home Feels Like ni Joseph Abello na istorya ng isang seaman na maraming taon nang malayo sa kanyang pamilya na parang hindi na niya kilala. Starring Bembol Roco, Biboy Ramirez at Irma Adlawan.
Tatakbo ang 2nd ToFarm Film Festival simula July 12 hanggang 18. Sa July 11, ipapalabas ang opening film na Banaue nina Nora Aunor at Christopher de Leon directed by National Artist Gerry de Leon.
Darating sina Nora, Christopher, Ronaldo Valdez at ang Ilagan family na pamilya ni Gerry de Leon.
Bibigyan din ng tribute at tatanggap ng plaque of recognition ang ilang artista na mayroong farm kabilang sina Lorna Tolentino, Isabel Rivas, Gary Estrada, Eagle Riggs, Niño Muhlach at Tirso Cruz III.
Ang awards night ng 2nd ToFarm Film Festival ay gaganapin sa July 16 sa Edsa Shangri-La Manila.