Ni NORA CALDERON

REUNION nina Sanya Lopez at Thea Tolentino ang kanilang bagong afternoon prime drama series na Haplos. Una silang nagkasama sa longest running afternoon prime ng GMA-7na The Half Sisters na gumanap si Sanya bilang best friend ng bidang si Barbie Forteza at kontrabida nila si Thea na produkto ng talent search na The Protege.

Naging isa sa mga bida sa Encantadia si Sanya at napasama naman si Thea sa Destined To Be Yours bilang kontrabida nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ngayon, super ang pagkakontrabida ni Thea kay Sanya sa pagganap nila bilang step-sisters. 

SANYA AT THEA copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Okey lang ba kay Thea na kontrabida na naman siya sa bago niyang soap?

“Opo, challenge sa akin na maging villain, saka naiiba po ang story ng Haplos,” sagot ni Thea. “May touch of enchantment po ang story namin, at sa akin napunta ang role ni Lucille, na may shades ng witchcraft o pangkukulam ang character niya. Nagpi-pray nga po ako tuwing may tsina-chant ako sa eksena.”

“Happy po ako nang makasama ko ulit si Thea,” sabi naman ni Sanya. “Kahit magkaiba ang character namin sa story, dahil ako naman si Angela, na may power naman to heal, kaya ginagamit ko iyon sa kabutihan, at enjoy kami tuwing taping break namin.”

Going strong ang relationship nina Thea at Mikoy Morales, pero na-curious kami na may crush sila ni Sanya, na masama nilang pinagkukuwentuhan. Tinukoy ni Thea ang crush nila, pero nakiusap na huwag isulat dahil nahihiya raw sila ni Sanya. Kapuso rin ang actor na pinapanood nila sa soap nito.

Inamin naman ni Sanya na naging crush niya noon si Ivan Dorschner bago pa ito napunta sa GMA Network at nakasama ng kuya niyang si Jak Roberto sa katatapos na romantic-comedy na Meant To Be.

“Nag-audition din po si Ivan dito sa Haplos pero hindi raw bagay sa kanya ang role, kaya hindi siya natuloy na magkasama kami. Once ko lang siyang na-meet noon.”

Napangiti si Sanya nang ususain namin kung kailan idi-deliver ang brand new car na gusto niyang bilhin.

“Wala pa po naman, pero gusto ko sana Montero Ford Everest, para magamit ko sa tapings ko. Gusto ko po kasi cash ko itong bayaran, kung kakayanin ko, kaya wish ko pong madagdagan pa ang income ko, like magkaroon ako ng endorsement.”

Mapapanood na simula sa Lunes, Hulyo 10, ang Haplos na tampok din sina Rocco Nacino, Pancho Magno, Celia Rodriguez, Francine Prieto at iba pa, mula sa direksiyon ni Gil Tejada, pagkatapos ng Impostora.