Ni NORA CALDERON
BATA pa ay dream nang maging artista ng French-Filipina na si Kim Domingo kaya gumawa siya ng paraan upang makapasok sa showbiz. Nag-upload siya sa YouTube ng kanyang dubmash video sa Twerk It Like Miley at nag-pose para sa FHM dahil maganda naman talaga ang kanyang katawan, she stands 5’7”, at ito nga ang nag-open sa kanya ng maraming pintuan sa showbiz.
Isa sa mga kumuha sa kanya ang Bubble Gang. From there, pinapirma na siya ng kontrata ng GMA Network at sa GMA Artist Center.
Nagsunud-sunod na ang projects niya sa network at isa rito ang Juan Happy Love Story na naging katuparan ng wish niyang makatambal ang hinahangaan niyang si Dennis Trillo. Pero ngayon, hindi siya namimili ng makakatambal, kung sino man ang ibigay ng network ay tatanggapin niya nang buong puso, dahil nakatambal na niya si Dennis.
Tinagurian siyang ‘Pantasya ng Bayan’ at ikinukumpara na kay Ellen Adarna, pero hindi raw siya nakikipag-compete at hindi pa niya nakikita nang personal si Ellen. Napapanood si Kim ngayon sa papatapos nang D’ Originals, ang afternoon prime drama series ng GMA-7.
May kasunod na ba siyang project?
“Meron na po at halos naiyak nga ako nang tawagin na ako para sa story conference ng The Good Teacher at nakita ko roon si Ms. Marian Rivera,” kuwento ng dalaga. “Labis po ang pasasalamat ko nang sabihin niyang ako raw ang personal choice niya to play her sister, dahil matagal ko na rin siyang gustong makasama.
“Sabi pa niya sa akin, maganda ang aming soap dahil drama-fantasy ito, huwag daw akong mag-alaala dahil susuportahan niya ako. Ang bait-bait niya, kaya nagtataka ako kapag may nagtatanong sa akin kung hindi raw ako takot kay Ms. Marian. Totoo po na gaganap akong kontrabida pero may dahilan kung bakit ganoon. Excited na po akong magsimula ng taping. Pero sina Ms. Marian, magsisimula na tomorrow (June 30.) Tatapusin ko muna ang taping namin ng D’Originals.”
Number two si Kim sa 100 Sexiest in the Philippines ng FHM men’s magazine, pero sabi ng entertainment press, panalo pa rin siya dahil mayroon na siyang photo book titled Kim Domingo: State of Undress na magpapakita sa kanya sa iba’t ibang sexy shots na kuha nina Shaira Luna, Ejay Leung, at Paolo Pineda. Laman din ng libro ang life story ni Kim na ang tanging hiling ay makita ang kanyang French father na hindi na niya nakilala. Umaasa siyang matatagpuan pa rin niya ito kahit halos baligtarin na niya ang buong social media sa paghahanap dito.
Ngayong araw, (Sabado, Hulyo 1), 2:00-5:00 PM, gaganapin ang book launch at autograph signing ni Kim sa National Bookstore Glorietta 1. Kung gusto ninyong makapagpa-autograph kay Kim, bumili lang kayo ng libro niya sa National Bookstore o sa Powerbooks at ipakita ang receipt of purchase. Registration will start at 1:00 PM. Mabibili rin ang Kim Domingo: State of Undress sa newsstands, bookstores, convenience stores and supermarkets nationwide sa halagang Php 250.