Nina Genalyn D. Kabiling at Argyll Cyrus B. Geducos

Isasapubliko ni Pangulong Duterte ang mga military information tungkol sa matinding banta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa seguridad ng bansa.

Sinabi ng Presidente na plano niyang ilahad sa publiko ang intelligence data mula sa mga security agency tungkol sa grupong terorista na inilarawan niya bilang “very toxic enemy.”

“I’ll get some of the materials furnished me by the intelligence. There is nothing sacred there or secrets. I’ll open it to the public, for the public to, the analysis of the intelligence community of government,” sinabi ni Duterte sa press conference sa Davao City nitong Huwebes ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Wala akong nakitang sekreto doon. Not a thing that is not—what’s not really known to the public anyway,” ani Duterte.

Aniya, panahon na upang magkaroon ang publiko ng “first-hand knowledge” sa uri ng kaaway na pinagbubuwisan ng buhay ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Sinabi ng Pangulo na ang ISIS ay isang “revolution” na nakikipaglaban sa publiko “for no reason at all.

Ang mga teroristang “[has] no redeeming value” dahil tanging pagpatay at paninira ang layunin ng ISIS, ayon kay Duterte. Dagdag pa niya, ang pagiging brutal ng mga terorista ay 100 beses na mas matindi kaysa bansa ng mga komunistang rebelde sa bansa.

“It has nothing to do with Islam or Christianity or Judaism. But it is an activity that is dedicated to the destruction of mankind. Wala silang gawain except to destroy and kill and that puts us in a very grave danger,” aniya.

DRUG WAR O TERORISMO?

Kasabay nito, pinabulaanan ng Malacañang na hindi sineryoso ng gobyerno ang banta ng ISIS sa Pilipinas, partikular sa Mindanao, dahil tanging ang drug war ang tinututukan ng pamahalaan.

Ito ang alegasyon ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, sinabing dahil sa “fixation” ng Pangulo sa kampanya kontra droga ay hindi natutukang mabuti ang mga hakbangin ng bansa kontra terorismo.

Depensa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, binanggit na ni Duterte ang pagpunta ng ISIS sa Pilipinas kahit noong kauupo lamang nito sa puwesto.

“Let me remind you that as early as August last year, one-and-a-half months after PRRD assumed the presidency, the President already told the Philippine military to be ready with ISIS and warned that the country would be plagued with the ISIS disease,” ani Abella.