Ni Dennis Principe

ISANG dating knockout victim ni Manny Pacquiao ang naniniwala na dapat pang katakutan ang boxing icon hindi lamang sa lakas ng mga suntok nito.

Ayon kay world lightweight champion David Diaz, binago na ni Pacquiao ang kaniyang istilo mula sa pagiging isang one-punch knockout fighter ay naging volume puncher ito na epektibo laban sa mga mas malalaki at malalakas na welterweight fighters.

PAC copy copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakalaban ni Diaz si Pacquiao noong June 2008 kung saan yumukod ang Mexican-American sa 11th round upang isuko ang kaniyang WBC lightweight crown sa Filipino boxing icon.

“It all comes down to the accumulation of punches that he throws. If he could throw as many punches as he can and just catch the guys with his punches, I think he will be fine. Trust me, I was on the receiving end of those combinations so I know what I’m talking about,” pahayag ni Diaz sa isang telephone interview ng Balita Sports.

Marami ang nagsasabi na pababa na ang career ni Pacquiao dahil na din sa huli itong naka-iskor ng knockout noong 2009 kung saan TKO sa 12th round si Puerto Rican Miguel Cotto sa kanilang welterweight title fight sa Las Vegas.

Samantala, namangha si Diaz kay Pacquiao nang malaman nito ang pagtuloy ng Filipino boxer ng isa sa kaniyang mga roadworks kahit na umulan ng malakas nang araw na iyon.

Itinuloy ni Pacquiao sa isang covered court ang kaniyang pagtakbo matapos umulan nang malakas noong nakaraang Sabado, ang araw ng pag-alis ng Team Pacquiao papuntang Australia.

“He doesn’t want to break his training and that is beautiful. That is something where a guy wills his way to get that workout that he wants,” pahayag ni Diaz “He wants to work out and found a way to do it so that’s determination. He wants to get that roadwork because he knows he needs it.”

Itataya ni Pacquiao ang kaniyang WBO welterweight crown kontra local hero Jeff Horn ngayong Linggo sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.