Ni: Genalyn D. Kabiling

Ipinangako ng pamahalaan na iiwasan ang mga naiulat na pagkakamali ng nakaraang administrasyon sa mabagal na ‘Yolanda’ rehabilitation efforts sa pagsasaayos sa Marawi City, na winasak ng giyera.

Tiniyak ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na ipatutupad nila ang mabilisang reconstruction ng Marawi, lalo na ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente.

“The President is very clear on this. He expressed his disappointment in the facilities for Yolanda before. And definitely, hindi na po mauulit ‘yung nangyari,” sabi ni Villar sa press conference sa Palasyo. “We’ve already seen the mistakes from the past and we will not repeat them.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umani ng mga puna ang pamahalaang Aquino sa mabagal na pagtatayo ng pabahay para sa mga pamilyang sinalanta ng Yolanda noong 2013. Nang umupo sa puwesto noong nakaraang taon, hindi maitago ni Duterte ang kanyang pagkadismaya sa mabagal na pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo, at agad na ipinag-utos na apurahin ang housing program.

Sinabi ni Villar na kasalukuyan nang inihahanda ang isang master plan para sa Marawi rehabilitation, na

kinabibilangan ng housing program para sa nagsilikas. Binanggit niya na na ang resettlement site para sa displaced families ay kinakailangang mayroong mga pangunahing serbisyo, tulad ng kuryente at tubig.

Ayon kay Villar, hindi pa niya maibibigay ang malinaw na pagtaya sa mga pinsalang dulot ng labanan sa Marawi dahil hindi pa nakapapasok ang DPWH sa battle zone.