Ni: Rommel P. Tabbad

Nanindigan kahapon si dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na ang kanyang kayamanan ay katas ng kanyang pinagpaguran sa showbiz.

Humarap si Revilla sa Sandiganbayan para sagutin ang kasong plunder na nag-ugat sa umano’y pagbulsa niya ng P224.5 milyon kickback mula sa kanyang pork barrel fund.

“Ang pinoint-out lang ng ating lawyer, kumbaga, kung naimbestigahan ba nila [kung] ilang pelikula [ang] nagawa ko, sa production outfit at sa TV na nagawa ko, so iyung mga ganoon, para mas klaro kung kaya ko bang kumita ng ganoong amount kung meron man silang makita sa bank account ko,” diin ni Revilla.

Tsika at Intriga

Ethan David, iginiit na hindi kailanman nakipagrelasyon sa menor de edad