WASHINGTON (AP) — Nagtakda ang Trump administration ng bagong criteria para sa mga visa applicant mula sa anim na bansang Muslim at lahat ng refugees na humihiling ng isang “close” family o business tie sa United States.

Inilabas ito matapos bahagyang ibalik ng Supreme Court ang executive order ni President Donald Trump na binatikos ng marami na isang Muslim ban.

Ang mga bagong patakaran na ipinadala sa mga embahada at konsulado ng United States nitong Miyerkules ay nagsasaad naang mga aplikante mula sa anim na bansa -- Syria, Sudan, Somalia, Libya, Iran at Yemen -- ay kailangang patunayan ang kanilang relasyon sa magulang, asawa, anak, manugang, o kapatid na nasa U.S.

Ang mga lolo at lola, apo, tiyuhin at tiyahin, pamangkin, pinsan, brother in-law at sister-in-law, fiancé o iba pang extended family members ay hindi itinuturing na close relationships.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Nagkabisa ang bagong patakaran nitong Huwebes.

Noong Lunes, bahagyang inalis ng Supreme Court ang mga injunction ng lower court laban sa executive order ni Trump na pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga mamamayan mula sa anim na bansa. Nagpasya ang mga mahistrado na hindi isasama sa ban ang mga aplikante kapag napatunayan nila na sila ay mayroong “bona fide relationship” o tunay na relasyon sa isang tao o kumpanya na nasa Amerika.