MAPAPANOOD na ng Pinoy fans ang inaabangang Jackie Chan-produced sci-fi action thriller movie na Reset sa mga sinehan nationwide.

Yang Mi at ang kanyang anak sa 'Reset' copy

Pinagbibidahan ng Asian superstars na sina Yang Mi at Wallace Huo, tampok sa Reset ang kuwento ni Xia Tian (Yang Mi), isang babaeng nakatuklas sa formula ng pagta-time travel o paglalakbay pabalik sa nakaraan at maging sa hinaharap.

Ngunit kaakibat ng kanyang discovery ang nakaambang panganib dahil nais mapasakamay ng mga teroristang pinamumunuan ni Tsui Hu (Wallace Huo) ang kanyang time travel formula. Dudukutin ng mga ito ang anak ni Xia Tian at hihingin ang formula bilang ransom.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Susunod ang naghihinagpis na ina at ibibigay ang kanilang hiling ngunit sa kasamaang-palad ay hindi susunod ang mga terorista sa usapan at ibabalik ang anak niya na wala nang buhay.

Para maisalba ang buhay ng anak, babalik si Xia Tian sa nakaraan at gagawin ang lahat mabago lamang ang mga naganap sa kasalukuyang panahon. Magtagumpay kaya siya sa kanyang misyon?

Panoorin sa Reset ang makapigil-hiningang action adventure na may sumasabog na skyscrapers, astig na car stunts, nakamamanghang special effects, at matensiyong bakbakan.

Mayroon ding mga hindi inaasahang twist na gumawa ng ingay sa Chinese movie community bago pa man ipalabas ang pelikula.

Mapapanood ang Reset sa bansa dahil sa Star Cinema na exclusive distributor nito sa Pilipinas. Bukod dito, una nang dinala ng Star Cinema ang foreign films na The Last Word starring Amanda Seyfried at Shirley MacLaine at Kung Fu Yoga starring Jackie Chan.