Ni: Fer Taboy
Arestado kahapon ang isang pulis na akusado sa pamamaril at pagpatay sa dalawang katao sa San Fernando City, La Union.
Sa report na nakarating sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame mula sa tanggapan ng San Fernando City Police Office (SFCPO), naaresto si PO1 Ricardo Rillo, nakatalaga sa Personnel Holding and Accounting Unit ng La Union Police Provincial Office(LUPPO).
Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong dalawang bilang ng murder at attempted murder, dinakip si Rillo na itinuturong suspek na umano’y walang habas na pamamaril kina Willy Fernando, Joseph Balanag, at Christian Fernando sa Barangay Santiago Sur, sa San Fernando City noong Mayo 17.
Nasawi sina Willy at Balanag habang sugatan naman si Christian.