Ni: Raymund F. Antonio

Maging social media warriors at ipalaganap ang pag-asa. Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa paglulunsad niya sa “Istorya ng Pag-asa Social Media” na dinaluhan ng mga opisyal at residente ng Pasay City nitong Miyerkules.

Naniniwala si Robredo na kapag hindi ginamit sa tama ang social media ay magiging armas ito na wawasak sa buhay ng marami.

“Social media is too powerful. It is being said that social media is now becoming a weapon of mass destruction,” aniya sa mga tao sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

“Would you allow social media to become a weapon of mass destruction? Of course, you wont. Right?” tanong niya sa audience, at hinikayat sila na ipalaganap ang positivity sa pamamagitan ng social media platforms, sa halip na gamitin ito sa hateful conversations.

“All of us here can be become social media warriors,” sabi ng Vice President.

Pinangunahan ni Robredo ang paglulunsad ng mga istorya ng pag-asa na mababasa online, at maabot ang mas maraming Pilipino dito at sa ibang bansa.

Nagsimula ang Istorya ng Pag-asa sa travelling photo gallery ni Robredo na nagtatampok ng inspirational life stories ng mga karaniwang Pilipino sa buong bansa. Bahagi ito ng kanyang flagship antipoverty program na “Angat Buhay.”

Naniniwala si Robredo, na ang istorya ng bawat Pilipino ay maaaring maging istorya ng pag-asa.

“Instead of fighting each other, why don’t we look for stories of hope that can inspire us. Instead of negative, we will talk about the positive,” aniya.