Nina Beth Camia at Francis Wakefield

Inihayag ni Pangulong Duterte na bagamat siya ang magdedesisyon, nakadepende pa rin sa militar at pulisya kung puwede nang bawiin ang idineklarang batas militar sa Mindanao.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang pagdalo sa 140th founding anniversary celebration ng Philippine Chinese Charitable Association Inc. sa Maynila kamakalawa, bago bumiyahe pa-Davao City.

“Ngayon, sabihin ninyo, ‘Kailan matapos ‘to?’ Ang military ang nagsabi, ang pulis ang nagsabi sa akin critical. ‘Pag sinabi na nila, everybody is safe, and everybody is free to roam around Mindanao and he will be alive for the next 24 hours, and then I would ask them, ‘Do you think it’s time to lift the martial law?’ Kung magsabi sila huwag muna, hanggang kailan, I really do not know,” sabi ni Duterte.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

“Ibig sabihin, it is not my option, I will listen to them. Then I will ask for their recommendation. They should know better than me,” dagdag niya.

“’Pag sinabi nila, huwag muna, eh ‘di wala tayong magawa. Now, for the 60 days, eh ‘di magpunta ako sa Congress, another 60 days. Give me another 60 days but maybe I’d be able to eliminate all of them.”

Sinabi naman kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na handa ang military na ibigay sa Pangulo ang pinakamainam na payo kaugnay ng posibilidad na mapalawig ang 60-araw na batas militar sa Mindanao.

“We will do our part to see to it that we give him our best advise when time comes that he consults or asks us,” ani Lorenzana.