Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng “Carmudi” gang, na sangkot sa serye ng carnapping, swindling, at robbery/hold-up, makaraang magpatupad ng search warrant ang pinagsanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Nueva Ecija at Cabanatuan City Police sa Purok 3, Barangay Sumacab Sur sa lungsod, nitong Martes ng umaga.

Pinangunahan ni Chief Insp. Francis Aldrich Garcia ang pagsisilbi ng search warrant ng korte na nagresulta sa pagdakip kay Ferdinand Valmonte y Sanoy, nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska umano kay Valmonte ang isang .45 caliber Armscor, isang magazine assembly para sa .45 caliber, pitong bala ng .45 caliber pistol, at 15 bala ng .22 caliber rifle.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?