Ni: Mary Ann Santiago

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit ng hindi rehistradong pamatak sa mata, na maaaring makasama sa kalusugan.

Sa Advisory No. 2017-182-A, sinabi ng FDA na ang “Dok Apo Better Vision 15 mL” ay hindi dumaan sa tamang proseso ng rehistrasyon ng ahensiya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon.

Babala ng FDA, dahil hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA ang naturang eye drops, hindi masisiguro ng ahensiya ang kalidad at kaligtasan nito.

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak