CAST NG 'BLOODY CRAYONS'_please crop copy

Ni REGGEE BONOAN

IPINALIWANAG ng ad-prom manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario sa presscon ng Bloody Crayons kung bakit maraming nawala sa original cast ng pelikula tulad nina Julia Barretto, Joshua Garcia, Iñigo Pascual at iba pa.

“Marami nang nangyari. As everyone knew, marami nang pinagdaanan ‘yung project na changes, si Direk (Topel Lee) din also took over the project. Nagkaroon ng changes sa management direction kung how will they do this project,” sabi ni Mico.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dagdag naman ng creative head ng Bloody Crayons na si John Paul Abellera, maraming naging problema sa mga artistang kasama dahil sa magkakasalungat na schedules.

“We will not deny naman po na there were some other actors involved sana in the movie. But then of course, we have to remember that Star Cinema is also part of ABS-CBN, and nagkaroon ng scheduling problems.

“’Pag kailangan ang artista for a different show, a different movie, ‘binibigay din naman ng Star Cinema ‘yung actors na ‘yun. In the meantime po na nag-aayos kasi kami ng material, ang dami naming inayos kasi sobrang demanding po talaga sa amin dahil po it’s the first suspense (Star Cinema) in a long, long time.

“We want to make sure to give the right material for the right cast with the right director. So lahat po talaga ng pinupuna nilang comments, sasagutin po natin, lahat ng butas na nakita po nila, inaayos po namin to make sure na ‘pag natuloy na ‘yung project, magandang-maganda na siya and we’re happy with the final product that we have,” sey ni John Paul.

Kaya kuntento ang management nang mapanood na ang kinalabasan ng Bloody Crayons.

“I-share ko lang,” dagdag ni Mico, “when we had our interlock a couple of weeks ago, ito ‘yung team ng Star Cinema na hindi part ng creative and production team ng project.

“Nakakatawa kasi naiyak si JP (John Paul) at Marj Lachica, ‘yung producer, kasi after talaga... walang biro, nagpalakpakan ‘yung management.

“Parang doon nag-fall into place lahat na this is the cast best assembled, Direk Topel and his magic, ito ‘yung right combination for Bloody Crayons.”

Mapapanood na ang Bloody Crayons sa Hulyo 12 nationwide.