NAUNGUSAN ng Batang Gilas ang Israel, 19-17, ngunit kinapos ang Nationals laban sa mas matatangkad at top-seed Netherlands, 13-10, nitong Miyerkules sa unang araw ng aksiyon sa 2017 Fiba Under-18 3x3 World Cup sa Chengdu, China.
Nagawang maitabla ng Pinoy cagers ang iskor sa 10-all, ngunit nakalusot ang Dutch sa krusyal na sandali para mapaluhod ang Batang Gilas para sa 1-1 karta sa Group A.
Matikas ang simula ng Pinoy laban sa Dutch para sa 3-0 bentahe mula kina Juan Gomez de Liano at AJ Edu, ngunit naghabol sa 10-6 sa sumunod na minuto.
Nakabangon ang Team Philippines mula kina Gomez De Liano at Encho Serrano bago naitabla ni Edu ang iskor sa 10-all tungo sa huling dalawang minuto ng laro.
Pahinga ang Batang Gilas at magbabalik aksiyon sa Biyernes (Sabado sa Manila) kontra Poland at Turkmenistan.