NI: Ariel Fernandez
Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Arabo na inireklamo ng may-ari ng isang recruitment agency dahil sa umano’y pangha-harass nang ipasara nito ang kanyang ahensiya nang walang due process.
Ipinaaresto ni Helen Tolentino, may-ari ng Land base Recruitment Agency at presidente ng International Resource Development Recruitment Agency, si Bandar Fahad Alquahtani, nasa hustong gulang, sa kanyang condo unit sa Ermita, Maynila.
Sa reklamo ni Tolentino, si Alquahtani ay dati niyang broker sa Saudi Arabia.
Makalipas ang tatlong taon, nagdesisyon si Alquahtani na bumisita sa Pilipinas at habang siya ay narito ay mayroon siyang contact sa kanyang bansa upang magpadala ng mga manggagawa.
Ngunit noong Mayo ng kasalakuyang taon, hinarass ni Bandar si Tolentino at hiniling sa Saudi embassy dito sa Pilipinas na suspindehin ang operasyon ng recruitment agency ni Tolentino hanggat hindi siya ikinokonsidera bilang may-ari nito.
Ngunit tumanggi si Tolentino sa ninanais ni Bandar at ito ay ipinaaresto.