Ni: Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac – Isang sampung taong gulang na babae ang napariwara sa panghahalay umano rito ng sariling bayaw sa Barangay Taguiporo, Santa Ignacia, Tarlac nitong Miyerkules ng gabi.

Pormal na idinulog ang reklamo sa Women and Children Protection Desk ng Santa Ignacia Police laban sa naarestong bayaw ng paslit, isang 29-anyos na magsasaka, ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Kristine Joy Juan, dakong 7:00 ng gabi at patungo ang ina ng bata sa bahay ng biyenan nito nang maulinigan ang pagpalahaw ng anak dahil sa sinapit sa pang-aabuso umano ng suspek.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!