Ni: Merlina Hernando-Malipot

Sa kabila ng pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na hindi underpaid ang mga guro sa pampublikong paaralan, muling iginigiit ng mga samahan ng mga guro ang kanilang panawagan sa gobyerno na aprubahan ang kanilang hinihiling na dagdag suweldo.

Hinihimok ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at ng ACT Teachers Partylist ang administrasyong Duterte na tuparin ang ipinangako sa kampanya na tataasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan at iba pang manggagawa ng pamahalaan.

“We challenge him to prove to our teachers that his promises for salary increases will not stay as a campaign promise,” saad ng grupo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagpahayag ng suporta sa kanila sina Representative Antonio Tinio at France Castro. Kasama ang ACT Philippines, muli ring iginigiit ng mga mambabatas ang P25,000 sahod para sa Teacher 1 at P16,000 para sa iba pang tauhan.

“With today’s rising prices of basic goods and services, they need more than what we are giving them now,” ani Castro.

Nilinaw ng TDC na ang entry-level basic salary ng mga guro ay P19, 600 lamang at may mandatory deductions pa.